Bea Alonzo at Dominic Roque, Hiwalay na Ba?

 



Sa pinakabagong episode ng Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, tinalakay nito ang mga alingawngaw ukol sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque. 


Unang napansin ang isyu nang mapansin ng mga netizens na hindi na suot ni Bea ang kanyang engagement ring kasama si Dominic. Ayon sa unang source ni Ogie, itutuloy pa rin daw ang kasal, at posibleng nagdadalawang-isip lang si Bea dahil sa pre-wedding jitters. Sinabi ni Ogie, "Yung isa sinasabi sa akin na tuloy naman daw yung kasal pero baka lang daw may wedding jitters si Bea."


Sa kanyang vlog, binanggit pa ni Ogie na may impormasyon siyang natanggap ukol sa kasal, at ito'y plano raw na ganapin sa Madrid, Spain, sa buwang Setyembre. Subalit, isang source ni Ogie ang nagpahayag na naghiwalay na umano ang dalawa at ang post ng kanilang pagbisita sa Japan ay maaaring maging huling post na magkasama. "Sabi ng isa kong source, 'Wala na sila, hiwalay na sila. Yung Japan nila, huling post na nila yun. Wala na, kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili,'" ani Ogie. 


Dagdag pa niya, "Yun nga ang sabi ng aking source ay sinusuyo pa rin ni Dominic Roque si Bea Alonzo para sila ay magkaayos."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts