Bagong Season ng ABS-CBN Reality Show na PBB Mapapanuod na sa GMA 7

 


Bagong Season ng ABS-CBN Reality Show na PBB Mapapanuod na sa GMA 7

Image: Screengrab from GMA 7/YouTube
May kumakalat na balita na magsasanib-puwersa ang GMA 7 at ABS-CBN para sa bagong season ng Pinoy Big Brother (PBB), ayon kay Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog kamakailan. 



Bagaman hindi pa ito opisyal na kinumpirma, nagbigay ng pahayag si Ogie na "Ang balita ko, sanib-puwersa ang GMA at ang ABS-CBN… totoo ba yun?" ngunit agad na nilinaw na hindi niya ito kinumpirma at kailangan antayin ang opisyal na pahayag mula sa dalawang network.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ogie, “Ayaw kong ikumpirma yan. Hintayin natin sila kung may sasabihin sila. Pero maganda yan kung magsasanib-puwersa parang ‘Unbreak My Heart’.” Binanggit din ni Ogie na hindi niya alam ang mga detalye kung saan ito ieere at ipinabasa ang tanong ni Mama Loi, "Where will it be aired?" Sumagot si Ogie ng "Ayan ang abangan natin ano, ayaw ko namang magmarunong dito. Basta iyon lang ang nakarating sa akin. Hindi ko naman alam kung confirmed."




No comments:

Post a Comment

Popular Posts