Andrea Brillantes, Nagkaru'n ng 'Fan Girl' Moment kay Rico Blanco sa Bobapalooza Music Festival 2024

 



Andrea Brillantes, Nagkaru'n ng 'Fan Girl' Moment kay Rico Blanco sa Bobapalooza Music Festival 2024

Image: Andrea Brillantes/FB/IG

Nagdulot ng matinding kilig sa social media ang "Fan Girl" moment ni Andrea Brillantes sa OPM icon na si Rico Blanco. 


Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng Kapamilya Star ang isang blurred na larawan kung saan makikita siya na nakikipag-selfie kay Rico Blanco. Masaya at napahayag ang kasiyahan ni Andrea, kahit pa blurred ang nasabing larawan.




"Fan girl moment! Kahit blurred it's okay huhu OMG," sabi ni Andrea sa kanyang post. Kasabay nito, ibinahagi rin ng aktres ang isang video mula sa Bobapalooza Music Festival 2024, kung saan si Rico Blanco ay isa sa mga performers. Tinawag ni Andrea ang naturang event na isa sa kanyang mga paborito, at ipinakita ang kanyang suporta sa OPM icon sa pamamagitan ng personal na panonood ng live performance nito.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts