Anak ni John Estrada at Janice de Belen, Umaming Kalive-in ang Actor na si Jake Vargas

 



Sa isang panayam ng Abante Teletabloid, inamin ni Inah Estrada, anak nina John Estrada at Janice de Belen, na sila na ng aktor na si Jake Vargas. 


Tinanong siya kung sila na nga ba ng aktor at diretsahang sumagot si Inah ng "Yes" sa tanong kung sila ay nagli-live in na.


Inamin din ni Inah na napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal, ngunit sa ngayon ay nag-iipon muna sila bago ito mangyari. Itinanggi rin ng dalawa ang usap-usapang may anak na sila, at sinabi ni Inah na nasa tamang edad na sila para sa mga desisyon na kanilang ginagawa. 


"Ayoko naman din na mangyari if ever I get pregnant or we got married na magkakapaan pa kami. At least ngayon, we’ve been living together for almost two years na. So, alam na namin ‘yung ugali ng isa’t isa," pahayag ni Inah.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts