Aljur Abrenica at AJ Raval Magkasama Diumano sa Iisang Bubong

 




Aljur Abrenica at AJ Raval Magkasama Diumano sa Iisang Bubong

Image: Aljur Abrenica/ Facebook


Sa isang panayam kay Jeric Raval, inamin ng aktor na magkasama na sa iisang bubong ang magkasintahang Aljur Abrenica at AJ Raval. 


Ipinahayag ni Jeric ang impormasyong ito sa panayam ng content creator na si Morli Alinio. "Magkasama sila ngayon," sabi ni Jeric. Dagdag pa niya, laging magkasama ang dalawa, at kung saan naroroon si Aljur, naroroon din si AJ, at hindi sila naghihiwalay.


Binigyang-diin din ni Jeric na walang katotohanan ang mga tsismis na nagkabalikan sina Aljur at dating asawang si Kylie Padilla. 


Ayon sa kanya, masaya siya dahil masaya ang kanyang anak sa piling ni Aljur. "Syempre, 'pag malungkot siya, malungkot din ako," ani Jeric. Nilinaw rin niya na walang basehan ang mga balitang buntis si AJ Raval.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts