Alex Gonzaga, Ikinuwento ang Minsan na siyang Na-Hold sa Airport Dahil sa Lotion

 



Alex Gonzaga, Ikinuwento ang Minsan na siyang Na-Hold sa Airport Dahil sa Lotion


Sa isang bag raid ni Carla Abellana kay Alex Gonzaga, ibinahagi niya ang karanasan ng pagkakaroon ng problema sa airport dahil sa lotion. Sa vlog na ito, ikinuwento ni Alex ang pangyayari.


"May story kasi diyan. 'Nung nasa Europe kami 'non, Amsterdam papuntang Venice. So bago ako bumaba ng airport, nag-ganun ako. Feel na feel ko... hinawakan ko 'yung bag ko. Tapos, alam mo 'yung sa airport 'yung ginaganon ng cotton tapos may papasukan tapos may papasukan tapos pag-uusapan nila... 'Uy alam mo ang tagal ko doon," kwento ni Alex.


"Naka-hold na ako nito mga one hour na. Bumaba na 'yung pinaka-head. Tapos kinausap ako 'nung head kasi ginanun uli niya. Did you leave your bag? Natakot ako, sabi ko no. Did you put anything in your bag? no! Did you ask someone to hold it for you? No! Did you clean your bag? No! Did you put anything? Usap na naman sila natatakot na ako," giit pa niya.


"Bigla kong naisip, sabi ko 'hey I put lotion!' e nakita nila puro Hong Kong. okay... okay. 'Yun pala nababasa. So medyo delikado pala..." dagdag ni Alex. Gayunpaman, patuloy pa rin niya ang paggamit ng lotion subalit nagbigay siya ng babala sa pagdadala nito kapag nagbiyahe.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts