Alden Richards, Iniintriga sa Kanyang Love Life, Pero ‘Di Pa Matagpuan ang "Lucky One"

 


Alden Richards, Iniintriga sa Kanyang Love Life, Pero ‘Di Pa Matagpuan ang "Lucky One"


Sa kabila ng mga intriga at mga pangalan na inililink sa kanya, tila hindi pa rin natatagpuan ni Alden Richards ang kanyang "lucky one." Ayon kay showbiz columnist Lolit Solis, marami ang nag-e-excite kung sino ang magiging maswerteng babaeng makakarelasyon ng Asia's Multimedia Star.


“Pero talagang hindi pa rin niya matagpuan ang kanyang lucky one. Si Alden ang tipo na hindi magmamadali o basta-basta papasok sa isang relasyon,” pahayag ni Lolit. “Tiyak na bago siya pumili, pag-aaralan niyang mabuti at titiyakin na iyon na ang one and only at magiging forever niya,” aniya.


Sa isang panayam noong Nobyembre 2023, ibinahagi ni Alden ang kanyang mga plano pagdating sa pagpapamilya. Dagdag pa, inilahad niya ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae. Bagamat wala pang opisyal na pahayag mula kay Alden, umaasa ang marami na mahanap niya ang tamang pagkakataon para sa masaya at makabuluhang relasyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts