Sumagot si aktor Xian Lim sa ilang tanong ng media hinggil sa isyu ng pag-ibig. Ang nasabing panayam ay naganap sa media conference ng bagong serye ng GMA7 na "Love. Die. Repeat."
Natanong si Xian kung may posibilidad bang muling magsama ang dalawang taong naghiwalay.
"I think, in life, everything happens for a reason. 'Yun lang naman po 'yun. Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason," sagot ni Xian.
"Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, e, it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po 'yun," dagdag ni Xian.
"Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working. 'Yun naman yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy," sabi ni Xian.
No comments:
Post a Comment