Vice Ganda Humingi ng Paumanhin kay Anne Curtis Tungkol sa Joke sa Endorsement

 


Vice Ganda Humingi ng Paumanhin kay Anne Curtis Tungkol sa Joke sa Endorsement


Ang TV host na si Vice Ganda ay humingi ng paumanhin kay Anne Curtis matapos siyang magbiro na may kinalaman sa kanilang magkaibang endorsements.


Sa bahagi ng "EXpecially For You" segment sa It's Showtime, sinabi ni Vice ang mga salitang "Nice, Ganda," at ipinakiusap kay Anne na ulitin ang parehong linya. Si Anne naman ay innocently na sumunod sa sinabi ni Vice nang hindi alam na ito ay linya na ginamit ni Vice sa kanyang commercial ng fast-food chain na ka-kumpitensya ng fast-food chain endorsement ni Anne.


"Ikaw, pag nawalan ako ng kontrata. Pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadya. Lapse of judgment, sorry," ani Anne.


Sa Twitter, nagbigay din ng paumanhin si Vice para sa paglagay niya sa alanganin si Anne.


"I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry," tweet ni Vice.


Sa hiwalay na post, sinabi ni Vice:


"No. At times i dont think enough. Sa kagustuhan kong magpatawa bira ako ng bira kaya minsan sablay. Sometimes i hate myself. Pero ganun talaga sa comedy man o sa real life talagang hit and miss. And we’ll just have to try again." sabi ni Vice.


"Ang kj mo! Ok yan para trending! Chozzz!!! But yes it was lapse of judgement. It was our usual 'brandagulan' moment na late nya narealize so nasabi nya ung tagline ng di nya namalayan. I apologized to her And pinagtawanan n lng namin. Our sisterhood will always be Nice Ganda!"


Sumagot si Anne sa pamamagitan ng pag-post ng sumusunod:


"Morning everyone. Guys, kalma. No need for such negative energy. Vice and I are fine. It was a lapse of judgment on both sides. At least we can move forward and be keyrfuul. Ganyan ang biriun backstage but syempre dapat iba pag on air. Kaya kalma. It’s a beautiful day. Gawin na lang #BidaAngSaya every day! ✨HAHAHAHA!"


No comments:

Post a Comment

Popular Posts