Sports Car ni Daniel Padilla, Binenta ng Seller na Biro sa Panty ni Andrea




Nagdulot ng tawanan at komento ang biro ng seller ng sports car na dating pag-aari ni Daniel Padilla na si "Franz Akeem Aldover" sa social media. 


Ipinost ni Aldover ang larawan ng 2016 model Chevrolet Corvette Stingray C7 na sinasabing pagmamay-ari noon ni DJ, at biniro na naiwan daw ang panty ni Andrea sa compartment nito.


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Aldover, "Awit sayo Daniel! Yung panty ni Andrea naiwan mo sa compartment ng Corvette mo. Ako pa tuloy yung Pinaghihinalaan ng GF ko na may babae."


Ibinenta ni Aldover ang kotse sa halagang ₱6.5 milyon, at maraming netizens ang nag-react sa biro niya. Marami sa kanila ang nagbibiro rin at nagtatanong kung pwede raw bilhin ang panty ni Andrea.


Sa kabila ng biro, inamin ni Aldover na ang kotse ay unang ibinenta ni Daniel sa kanyang kaibigan, at itong kaibigan ang nagbenta sa kanya na ngayon ay lumapit kay Boss Toyo para ibenta ang sports car.


Sa huli, hindi tinanggap ni Boss Toyo ang alok sa kotse, ngunit inilagay ito ni Aldover sa on sale para sa iba pang interesadong bumili ng dating sasakyan ni Daniel Padilla.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts