Shopping Spree para sa P.A. at MUA ni Dra. Vicki Belo, Iniregaluhan ng Euros ni Dr. Hayden Kho

 

Sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki Belo, ibinahagi ng celebrity doctor ang regalong shopping spree na ibinigay ng kanyang mister na si Dr. Hayden Kho sa kanilang personal assistant na si Millet at makeup artist na si Marife.


Sa isang laro, nagbigay ang mag-asawa ng euros sa dalawang assistants sa bawat tamang sagot sa kanilang mga tanong. Bago ang laro, nagkaruon muna ng chikahan nina Dra. Vicki at Dr. Hayden kasama sina Millet at Marife.


Ipinagmalaki ni Millet ang kanyang pinakamaikling biyahe, isang 2-day trip sa Paris, France, para bilhin ang paboritong cake ni Dra. Vicki na Jean-Paul Hevin cake. Ayon kay Dra. Vicki, kapag may gusto siyang cake, sinasabihan ni Millet na bumili sa Paris, at ang ipinambabayad ay ang kanilang mga nalikom na points mula sa paglipad-lipad.


Samantalang si Marife, na MUA ni Dra. Vicki ng 27 taon, ay nakarating na sa iba't ibang bansa tulad ng Canada, Rome, Paris, Australia, New Zealand, Maldives, Morocco, Africa, Italy, at iba pa.


Sa huli, nanalo sina Millet at Marife ng tig-2,000 euros na gagamitin para sa kanilang pagsa-shopping sa Milan, Italy. Binigay ito sa kanilang mga nagawa at serbisyong ibinigay sa loob ng mahabang panahon.


Ipinahayag naman ni Dra. Vicki na ito'y isang paraan ng pag-reward sa kanilang mga assistants para sa kanilang dedikasyon at pagmamahal na ipinakita sa kanilang pamilya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts