Real Score of Richard at Barbie Relationship?

 

Sa kanyang showbiz update vlog, nagbigay ng linaw si Ogie Diaz hinggil sa nagviral na larawan nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez kamakailan. Ayon kay Ogie, si Barbie Imperial ay isa sa mga shareholders ng Tipsypig, isang bar sa Timog at Alabang. Ipinahayag niya na may obligasyon ang mga may-ari na mag-entertain ng mga bisita sa kanilang negosyo.


"Nagkataon lang na kaibigan ni Richard 'yung lahat ng may-ari ng Tipsypig. Parang apat na tables 'yun," paliwanag ni Ogie. "So 'nung naupo siya kay Barbie, nakunan ng picture. Alam mo, kahit sino pang babae 'yan ah, lalo na kung ang lalake o yung babae na involved sa isang relasyon, sa isang hiwalayan, tiyak na tututukan ng mga Marites kung sino 'yung next na makakasama nila."


Binigyang diin ni Ogie na nagkatabi lang sila ng ilang minuto sa isang table at wala silang alam sa mga nangyayari sa paligid dahil sa pag-celebrate. Ipinunto rin niya na nagtungo si Barbie sa Poblacion pagkatapos at nagkaruon ng post-Christmas party, ngunit wala na si Richard sa mga kasama dahil nag-uwian na ito.


Sa kanyang pagsasaalang-alang, inilarawan ni Ogie ang pangyayari bilang isang simpleng pagtatagpo sa trabaho at pagsasamahan ng mga kaibigan.


1 comment:

Popular Posts