Pokwang Sinermunan ang mga Netizen na Nang-Aaway sa Kanya

 




Pokwang Sinermunan ang mga Netizen na Nang-Aaway sa Kanya


Hindi pinalagpas ni Pokwang ang mga netizen na nang-away at pinagsabihan siyang gayahin si Ruffa Gutierrez pagdating sa kanyang anak na si Malia. Ayon sa ilang netizen, sana raw ay gayahin ni Pokwang si Ruffa na hindi "nilason" ang isip ng mga anak para hindi masamang tingnan ang kanyang dating asawang Turkish na si Ylmaz Bektaz na mas grabe raw ang ginawa sa huli.





Giit ni Pokwang, hindi dapat siya ipagkumpara kay Ruffa dahil magkaiba sila sa maraming aspeto, at wala ang mga netizen sa posisyon na malaman ang buong kwento ng kanilang pamilya. Sinabi rin niyang hindi niya ginagatungan ang kanyang anak, at kung may pabaya man, ito ay maaaring ituring na pagkukulang ng kanyang dating asawa na si Lee O'Brian.




"Hindi ako si Ruffa. Magkaiba kami sa itsura, pangalan, at iba pa. Hindi pwedeng dapat ganito ka kasi ganito siya, ok? Magkaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdaanan, wala kayong alam," ani Pokwang sa kanyang post noong Enero 23, 2024.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts