Ogie Diaz, Pumalag at Pinagtanggol si Maris Racal Laban sa mga Bashers



Sa kanyang recent showbiz update vlog, ipinagtanggol ni Ogie Diaz si Maris Racal laban sa mga basher na nag-aakusang nakisakay lang umano ang aktres sa kasikatan ng DonBelle.


Ayon kay Ogie, kung siya raw ang sasagot sa mga basher, sasabihan niya ang mga ito ng, "Iba ang isasagot ko diyan...mamatay ka sa inggit."


Pinaabot ni Ogie ang kanyang papuri kay Maris Racal, anito, "Ako na Maris Racal nagsasabi, saludo ako sayo. Sobrang husay mo." Binanggit din niya ang magandang pagganap ni Maris sa hit series na "Can't Buy Me Love," kung saan kasama niya ang DonBelle, nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Ang nasabing teleserye ay mapapanood sa iba't-ibang platform ng Kapamilya Network, at ayon kay Ogie, lubos niyang na-appreciate ang talento ni Maris sa naturang proyekto.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts