Nadine game na maka loveteam si Kathryn Bernardo.

 





Ayon kay Vilma Santos, ang "Star For All Seasons," ay "approved" ang tambalan nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo para sa remake ng pelikulang "T-Bird at Ako," na orihinal na ginawa nina Nora Aunor at Vilma Santos noong dekada '80.


Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Vilma, "Uy, heaven ‘yan! Heaven ‘yang team na ‘yan! Parehong magaling ‘yan!" Ang naturang pahayag ay dumating matapos ang mga usap-usapan tungkol sa posibleng remake ng nasabing pelikula.


Ang tanong ay kung game sina Nadine at Kathryn na gawin ang proyektong ito. Ayon sa iWantTFC, ang pelikula ay may temang LGBT na nagtatampok ng isang sexy dancer na inakusahan ng hom!c!de at dinepensahan ng isang babaeng abogado, na kalaunan ay nagkaroon ng romantic feelings sa kanyang kliyente.


Bagamat "approved" ni Vilma Santos ang tambalan, kinikilala naman ni Nadine Lustre ang kahalagahan ng proyektong ito at inaamin na ito'y magiging isang malaking hamon para sa kanya. Sabi ni Nadine, "I’m so happy she approves and appreciates my work but I think it’s a matter of comfort level, ’cause I don’t think I’m ready for something like that. That’s very daring, di ba? It’s very intimate. I’m not sure if I’m ready for something like that but it’s a challenge, and you know naman I’m up for challenges. It’s something that we can work on, tignan natin."


Samantalang nagpahayag si Kathryn Bernardo ng interes sa paggawa ng mga proyektong may malalim na kahulugan, hindi pa siya nagbigay ng kumpirmasyon tungkol sa posibleng paggawa ng "T-Bird at Ako" remake.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts