Sa isang nakakatouch na panayam ni Karen Davila, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang karanasan sa pakikipaglaban sa cancer at ang kanyang tagumpay sa pagiging "cancer-free" na ngayon.
Sa panayam, ibinunyag ni Miles na iniiwasan ng mga doktor na sabihin sa kanya ang eksaktong uri ng cancer na kanyang kinakaharap. "Ayaw pa nilang sabihin 'yung cancer sa akin, Ms. Karen... Kung hindi ko po siya naagapan, posible po siyang kumalat. Nalaman kong cancer siya 'nung after na nung operation."
Isinagawa ang thyroidectomy surgery kay Miles, kung saan tinanggal ang kanyang thyroid glands. Bagamat nagsimula ang kanyang laban sa cancer, masayang ibinahagi ni Miles na ngayon ay siya ay "cancer-free" na.
Gayunpaman, nagbigay diin siya sa kanyang "maintenance for life." Ipinapaliwanag ni Miles, "Yung meds ko, habang buhay na siya and doon na ako naka-base kumbaga 'yung weight ko rin. 'Dun na siya magbi-base kung papayat o tataba kasi every 2 months kailangan kong magpa-blood test para i-check kung i-adjust ba yung dosage ganyan."
Sa kabila ng mga pagsubok, nagpapakita si Miles ng determinasyon at positibong pananaw sa buhay matapos ang kanyang matagumpay na laban sa cancer.
No comments:
Post a Comment