Kylie Padilla handa na nga bang umibig muli?

 

Nakunan ang aktres na si Kylie Padilla na magkahawak ng kamay sa isang misteryosong lalaki. Pinalabas ang mga video ng nasabing insidente online, at marami ang nagtatanong kung sino itong lalaki.


Siya ba ang bagong inspirasyon sa buhay ni Kylie? Nag-post ang celebrity coach na si Francis Simon ng isang video sa TikTok kung saan tinanong niya si Kylie kung sino ang lalaking iyon.


“Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila eh. Sino ba yung kasama mo sa mall yung nakaputi? Yung long hair,” tanong ni Francis.


“Ay! Yun ba?” sagot ni Kylie.


“‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon,” dagdag ni Kylie.


Bagamat hindi binanggit ni Kylie ang pangalan, mabilis na inilahad ng mga netizens ang pangalan ng tattoo artist na si Jinno John Simon bilang espesyal na tao sa buhay ni Kylie.


@fjtsimonthemafia Ano daw @Kylie Padilla 🐍 ♬ original sound - fjtsimon

No comments:

Post a Comment

Popular Posts