Kampo ni Ian Veneracion Nagsalita sa Viral na Post Tungkol sa Talent Fee; Posibilidad ng Kaso?




Kampo ni Ian Veneracion Nagsalita sa Viral na Post Tungkol sa Talent Fee; Posibilidad ng Kaso?


Naglabas ng pahayag ang kampo ni Ian Veneracion hinggil sa viral na post ng isang scriptwriter-direktor tungkol sa umano'y mataas na Talent Fee ng aktor. 


Ayon sa kanilang pahayag, ini-examine nila ang posibilidad na magsampa ng kaso para sa online defamation dahil sa maling impormasyon.


"Rather than verifying the information (on Veneracion’s talent fee), Mr. Carballo appears to have engaged in online behavior that undermines these principles, in an attempt to publicly humiliate our client and our team. Considering these developments, we are exploring legal options to address the online defamation by Mr. Carballo," ang naging pahayag ng kampo ni Ian base sa artikulo na inilabas ng Inquirer.


Dagdag pa ng kampo ni Ian, walang katotohanan ang mga alegasyon na nag-request sila ng solo float at karagdagang bayad. "Contrary to the claims, we did not request any additional charges. Our terms were clear, especially regarding the hours required for the event, and at no point did we ask for a solo float."



No comments:

Post a Comment

Popular Posts