Ian Veneracion, Nasangkot sa Kontrobersiya Tungkol sa Talent Fee


 

Ian Veneracion, Nasangkot sa Kontrobersiya Tungkol sa Talent Fee


Nababalot ngayon ng kontrobersiya ang aktor na si Ian Veneracion matapos ibunyag ng writer at director na si Ronaldo Carballo ang kanyang natuklasan hinggil sa talent fee ng aktor.


Sa isang Facebook post noong January 16, ibinahagi ni Ronaldo ang kanyang pagkadismaya sa sobrang mahal umano ng talent fee ni Ian para sa isang public appearance sa Tarlac Festival. Ayon kay Ronaldo, hinihingi ng kampo ni Ian ang halagang P500,000 para sa dalawang oras na pag-attend sa parade, at may dagdag na P100,000 kada oras kapag lumagpas ng dalawang oras si Ian sa parade.


Sa kabila ng pagpayag ng Tarlac Festival sa P500,000 na talent fee, na itinuturing ni Ronaldo na sobrang mahal, nagkaroon ng isyu dahil sa time limit at additional fee. Ayon sa Talent Coordinator ng festival, hindi na sila tutuloy sa pagkuha kay Ian dahil sa takot sa time limit at mataas na talent fee. Inalok na nila si Piolo Pascual bilang kapalit.


Ipinagtanggol naman si Ian ng ilang netizens, habang iba naman ay naniniwala na kailangang magkaruon ng tamang pagtugon ang mga artista sa mga public events. Gayundin, mayroon ding nagpahayag ng opinyon na ang usapan sa talent fee ay hindi dapat inilalantad sa social media.


Sa kanyang post, sinabi ni Ronaldo na "OA ang 500k for a parade kahit limang oras pa." Wala pang opisyal na pahayag si Ian Veneracion hinggil sa isyu na ito.

No comments:

Post a Comment