Galit na Reresbak! Ina ni Sarah Lahbati, Ester Lahbati, Sinagot ang Basher na Nang-maliit sa Kanyang Trabaho sa Switzerland

 



Nangagalaiting sinagot ni Ester Lahbati, ang ina ng aktres na si Sarah Lahbati, ang isang basher na tila nagmaliit sa kanyang trabaho sa Switzerland. 


Sa isang kamakailang post sa Instagram na naglalaman ng larawan mula sa isang marangyang lugar, sinamahan ito ni Ester ng caption na "#Sit down and relax."



Gayunpaman, may negatibong komento sa bahagi ng post na mabilis na inalis, ngunit tinugon ni Ester ang komento ng basher, na sinabi, "Linawin ko lang, madam @cat*******, ano'ng mali? Kung magtatrabaho ako sa bahay, marangal na trabaho 'yon. Sana'y isara mo na lang ang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin. Inaano ba kita? May Swiss Passport ako, at pwede akong magpunta kahit saan sa mundo nang walang visa. Pwedeng magtrabaho sa buong EUROPE, OK? Ikaw, mag-focus ka sa pamilya mo. Para sa kaalaman mo, hindi ako nagtatrabaho sa pabrika ng tsokolate. May pruweba ako na nagtrabaho ako sa Geneva International Airport sa CHOCOLATERIE sa loob ng duty-free shops."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts