Daniel Padilla, Nagbenta ng Bahay sa Quezon City sa Halagang PhP 50 Milyon



Inilista ni aktor Daniel Padilla ang kanyang bahay sa Quezon City para ibenta, na may halagang PhP 50 milyon. Ayon sa isang post online, ang property ay may lote na may sukat na 500 sqm at mayroong 2-palapag na bahay na may 6 na kwarto, 6 na banyo, at maluwang na 5-6 car garage.


Ibinahagi ni talent manager at vlogger Ogie Diaz ang ilang pangyayari kung bakit naisipan nina Daniel at ng kanyang ina na si Karla Estrada na ibenta ang bahay.


"Siguradong iisipin na naman ng mga tao, 'Saan naman sila titira? Naghihirap na ba ang pamilya ni Daniel Padilla kaya nagbebenta ng bahay?' Alam nyo, ang importante, may ibebenta," ani Ogie.


"Ang alam ko kasi, parang gusto ni Karla eh ibenta na talaga yung bahay kasi gusto nang lumipat ni Karla sa bandang south," dagdag pa ni Ogie.


Nakikita ang paglipat na ito bilang isang praktikal na desisyon, at iginiit ni Ogie na ang mahalaga ay mayroon silang ibebenta, at mayroon nang plano si Karla Estrada na lumipat sa southern part ng Metro Manila.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts