Daniel Padilla, Hindi Inimbita sa Kasal nina Bea at Dominic Roque

 



Daniel Padilla, Hindi Inimbita sa Kasal nina Bea at Dominic Roque


Inihayag ni Dominic Roque na hindi inimbita ang aktor na si Daniel Padilla sa kanyang kasal kasama ang aktres na si Bea Alonzo. Dagdag pa ni Dominic, hindi sila nag-uusap ni Daniel kaya't hindi ito kasama sa listahan ng mga inimbitahan.


Nang tanungin kung inimbita ang kasintahan ni Daniel na si Kathryn Bernardo, sinabi ni Dominic na si Kathryn lang ang imbitado.


“Si Kath lang,” ani Dominic.


“Hindi pa naman kami okay ni DJ. I mean we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020,” dugtong pa ni Dominic.


Binanggit ni Dominic na imbitado sina Khalil Ramos, Pat Sugui, at Marco Gumabao na mga kaibigan niya.


“Ang kasal ay magaganap sa labas ng Metro Manila, hindi pa kumpleto ang listahan ng mga imbitado, pero ang aming mga pinakamatalik na kaibigan, pamilya, at mga kamag-anak ay dadalo. Sa susunod na linggo, sisimulan na namin nang buo ang plano,” pahayag ni Dominic.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts