Coco Martin at Alden Richards, Magkakaroon ng Bonggang Collaboration?




Nagiging usap-usapan sa industriya ng showbiz ang posibleng collaboration nina Coco Martin at Alden Richards, ayon sa kolum ni Lolit Solis, isang beteranang kolumnista.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Lolit ang kanyang excitement matapos malaman ang balitang magkakaroon ng proyektong pinagsanib-puwersa ang dalawang kilalang artista mula sa Kapuso at Kapamilya Network.


“Talagang malaki ang kinita ng festival Salve. Kaya ngayon pa lang excited na silang lahat sa pagbangon ng showbiz,” ayon kay Fermin patungkol sa matagumpay na Metro Manila Film Festival.


“Napatunayan na basta maganda at may star power ang isang pelikula tiyak na tatanggapin ng publiko,” dagdag pa niya.


Nagbigay rin ng teaser si Lolit hinggil sa iba pang mga inaabangang collaboration, tulad ng Bong Revilla/Sharon Cuneta, at Coco Martin/Alden Richards. Inaasahan niyang magiging bongga ang resulta ng nasabing mga proyekto.


“Talagang iba parin ang magic ng local film kaya naman hindi dapat mawalan ng pag-asa. Sapat na ang magandang naging resulta ng festival para lumakas ang loob ng mga nasa showbiz. Marami parin naman tayong mga stars na kayang humatak ng tao para manuod ng sine. At marami parin tayong stars na may kakayahan tumulong para maahon ang showbiz at iangat uli,” sabi ni Fermin.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts