Claudine Barretto Babawiin ang Milyones mula sa Dating Asawang Raymart Santiago





Sa ngayon, handa ang aktres na si Claudine Barretto na gawin ang lahat upang makuha ang kanyang nararapat. Inakusahan ni Claudine ang kanyang dating asawang si aktor Raymart Santiago na kumuha ng malaking halaga mula sa kanya.


Sa panayam niya kay Luis Manzano sa 'Luis Listens', ibinunyag ni Claudine na sinasabing kumuha si Raymart ng daang milyon mula sa kanya. Ang pera ay galing sa kita ni Claudine sa paggawa ng mga teleserye tulad ng "Mula sa Puso" at "Saan Ka Man Naroroon."


"At marami, tapos yun na, yun yung totoo, na yun, since malaki na yung mga anak ko, Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent. And alam naman natin kung gaano kamahal nun," sabi ni Claudine.


"Kaya, parang since hindi na nabibigay yung support na in-order ng court, parang yun yung sinasabi ng mom mo (Vilma Santos) na ipaglaban mo. Of course. So, this time, malaki na yung mga anak ko, in-explain ko na, ‘Okay, we have to, kukunin ko na ulit kung ano yung akin,'" dagdag ni Claudine.


"Ang pinag-uusapan natin ay daang milyon na. Ang iniwan sa akin was 25,000 pesos. Sa isang bangko pa lang was, like, PHP116 million. Isang bangko pa lang yun. And iniwan was PHP25,000," ibinunyag ni Claudine.


"Ang binalik lang niya sa akin nun, during that time, was PHP7 million. We were still together. Kasi nga, kukunin pa niya sa sino yung mga pinagtaguan niya nung perang yun. Kasi, ayoko siyang matulad sa parang na, yung tatay ng mga anak ko magnanakaw. Ayoko, ayoko. Kaya hindi ko nilaban yung pera noon," saad ni Claudine.


"Pero ngayon na lumalaki yung mga anak ko, tapos kukunin mo yung bahay, yung bahay namin, dun na, yun na yung sinabi ng lahat ng tao, ‘Okay. Magba-VAWC na tayo.’ Kukunin ko na kung ano yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo. Sige na," dagdag pa ni Claudine.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts