Brenda Mage, Muntik Mabalian Matapos Lundagan ng Kanyang Fan sa Dance Showdown



Butuan City - Nagulantang ang madla matapos makitang muntik nang mabalian si Brenda Mage, ang kilalang komedyante at dating housemate ng Pinoy Big Brother. Ito ay matapos siyang biglang tambunan ng isang fan sa isang dance showdown kamakailan.


Sa kanyang Facebook Live, ibinahagi ni Brenda ang sakit na nararamdaman matapos ang insidente. "Masakit 'yung ribs ko. Feeling ko 'yung ribs ko ang tinamaan kagabi. At masakit din sa akin ang likod at lower back. Pero tolerable naman 'yung pain," aniya.


Nakunan sa video na ibinahagi ng JanJed Tv kung paano sinayawan si Brenda sa entablado ng isang lalaki. Subalit sa kalagitnaan ng performance, bigla siyang tinambunan ng fan. Bumagsak sila sa sahig at nadaganan si Brenda dahil bumigay ang inuupuan niya.


Matapos ang pangyayari, agad na umalis sa entablado ang lalaki at humingi ng paumanhin kay Brenda.


Sa kabutihang palad, hindi nabagok ang ulo ni Brenda at ligtas siya mula sa anumang pinsala. Pasalamat siya na hindi siya nasaktan o natusok ng kahit anong bahagi ng upuan.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts