Annabelle Rama hinggil kay Richard Gutierrez: "Sana makahanap ng lifetime partner"

 



Annabelle Rama hinggil kay Richard Gutierrez: "Sana makahanap ng lifetime partner"


Nediyuhan ni Annabelle Rama si Richard Gutierrez sa kanyang ika-40 na kaarawan nitong January 21. Sa isang panayam sa Abante, ibinahagi ni Annabelle ang kanyang birthday wish para kay Richard. 


Ayon kay Annabelle, nais niyang maging ligtas si Richard mula sa anumang panganib at manatili itong malusog. Bukod dito, nais din ni Annabelle na makahanap si Richard ng lifetime partner na palaging magmamahal sa kanya at magiging kontento sa kanya, na hindi titingin sa ibang tao para sa romansa. Ayon sa mga naunang pahayag ni Annabelle, hiwalay na sina Richard at ang kanyang asawang si Sarah Lahbati.


"Ang birthday wish ko for Chard ay good health, na ilayo siya sa disgrasya. Makahanap ng lifetime partner na mag-take care sa kanya sa lahat-lahat katulad nang ginawa ko kay Eduardo (Eddie Gutierrez). Babaeng hindi na tumitingin sa iba. 


Iyan ang dinasal ko kanina sa Sto. NiƱo. Tuloy-tuloy rin ang magandang career niya. Mabigyan siya palagi ng good projects ng ABS-CBN," pahayag ni Annabelle sa Abante.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts