Andrea Brillantes Super Naapreciate ang Ginawa ng "Kuya" Kean Cipriano

 



Ipinahayag ni Andrea Brillantes ang kanyang pag-appreciate kay Kean Cipriano, na kasama niya sa kilalang serye na "Senior High." Ayon kay Andrea, laging nagche-check si Kean sa kanyang kondisyon at nagbibigay ng suporta.


“Actually, lalo na si Kuya Kean, lagi niyang sinasabi ‘O, kumusta ka? Galingan mo lang palagi, ha’. Lagi po lang niyang ipinapaalala sa akin na galingan ko lang; lagi niyang pinapa-brighten up lagi ‘yong mood ko. Si Miss Angel as well lagi lang niya akong kinukumusta,” pahayag ni Andrea sa isang panayam ng ABS-CBN News.


“Kahit si Kuya Kean na laging nagjo-joke, nararamdaman ko talaga nale-lessen niya talaga… Minsan sa mga emotional scene, laging pinapagaan ni Kuya Kean lahat ng bagay. Super ko talaga siyang na-appreciate,” dagdag pa ni Andrea.


Binunyag din ng aktres na si Kean ang kanyang pinakamalapit na kaibigan sa nasabing serye dahil sa kanilang bonding.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts