Andrea Brillantes Declares Independence from Love Teams: "I think it’s not for me"

 

Sa isang media conference para sa serye niyang "Senior High," idineklara ni Andrea Brillantes na ayaw na niyang maging bahagi ng isang love team. Sa halip, nais niyang mag-focus sa kanyang solo career at career growth.


"Mas nakikilala ko ang sarili ko bilang isang actress at mas madami akong puwedeng paglaruan at makatrabaho na bago. Kaya mas magandang mag-explore," pahayag ni Andrea tungkol sa pagiging independent sa kanyang career.


"Ang dami ko nang napagdaanan sa shows na lagi akong may kapartner. Noong nagkaroon ako ng opportunity na pwede na akong maging solo artist, gusto ko na siyang i-explore. Ngayon, super ko na siyang nae-enjoy," dagdag pa niya.


Nilinaw ni Andrea na ito ay personal na desisyon niya at hindi kanyang ibig sabihin na hindi niya suportado ang iba pang love teams sa industriya. "Support ako sa love teams. Pero na-realize ko na I think it’s not for me to be paired up with someone. Personally, mas nakakakita ako ng personal growth kapag mag-isa ako. Pero support ako sa mga love teams. I have nothing against them. This is just my personal opinion."


Kahit may ilang kontrobersya, marami ang pumupuri kay Andrea sa kanyang pagganap sa "Senior High," kung saan patuloy niyang pinatutunayan ang kanyang husay sa pag-arte.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts