Sarah Lahbati may ka Third-Party?

 


Sa "Showbiz Update Vlog" ni Ogie Diaz sa YouTube, isa sa mga tinalakay na topic ay ang relasyon ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Sa nasabing episode, ibinahagi ni Ogie ang anila'y impormasyon mula sa kanyang source ukol sa isyu ng mag-asawa. Ayon kay Ogie, hindi raw totoo na mayroong third party si Richard.


"Sabi ng aking source, walang third party, hindi nambubogbog si Richard, at iyon nga ang sinasabi na hindi si Richard ang may third party," pahayag ni Ogie.


Dahil dito, naitanong ni Mama Loi, "Kung hindi si Richard, sino?" Sa sagot ni Ogie, "E di ba noong una ang sabi ng iba si Richard daw ang may third party, tapos ngayon naman ang sinasabi nitong aking source, si Sarah Lahbati ang may third party."


"Nagtatanong ako kung totoo ba iyan? Sabi tanungin niyo si Sarah, eh hindi ko naman close si Sarah. Anyway, kung nanonood si Sarah, pwede niyang sagutin ito kung totoong siya ang may third party," dagdag ni Ogie.


Bukod dito, ayon sa source ni Ogie, hindi umano lalaki ang ka-third party ni Sarah.


Narito ang buong pagtalakay ni Ogie at ang kanyang mga kasamahan hinggil sa nasabing isyu.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts