Richard Gutierrez Kakasuhan si Sarah Lahbati?

 



Sinabi ng source ni Cristy Fermin na posibleng kasuhan ni Richard Gutierrez si Sarah Lahbati, ngunit natigil ito nang pigilan ito ni Ruffa Gutierrez, ayon sa ulat ng "Showbiz Now Na," ang youtube show ni Fermin.


Ang sabi ng source ni Fermin, kung hindi daw pinigilan ng kapatid na si Ruffa Gutierrez si Richard, maaaring nagsampa na ito ng kaso laban kay Sarah. Iniuulat na umiiyak si Ruffa at siya ang nakumbinsi kay Richard na huwag ituloy ang kaso alang-alang sa kanilang mga anak.


“Dapat po noong nakaraang linggo pa, noong Lunes ay nagsampa na ng demanda si Richard Gutierrez laban kay Sarah Lahbati pero napigil,” ani Cristy Fermin.


“Ang sabi ng kanyang abogado, ayon sa aking source, ‘Tayong dalawa ay nag-uusap. Okay na sa iyo ito, okay na rin sa mommy mo pero kausapin mo muna ang buong pamilya mo.’ Na ginawa naman po ni Richard,” dagdag pa niya.


“Ang unang-unang kumontra, si Ruffa Gutierrez. Umiiyak si Ruffa, ang sabi niya, ‘Chard huwag na lang. Let’s wait for the right time.’ Kasi 10 years old na ngayon si Zion. Alam na raw tumutok sa social media, nagbabasa na. Alam na ang mga nagaganap. Nakakaawa naman daw ‘yung mga bata. ‘Yun ang sabi ni Ruffa. At ‘yun din naman ang sinabi ni Tito Eddie at ng iba pang mga kapatid,” sabi pa ng kolumnista.


Sa huli, nagbago ng isip si Richard at pumayag din ang ina niya na si Annabelle Rama na ipagpaliban muna ang demanda laban kay Sarah.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts