Miles Ocampo, Tinapon ang Celphone ng Makita Mukha nina Andrea Brillantes at Elija Canlas?

 

Si Miles Ocampo ay galit na binato ang kanyang cellphone nang makita ang video nina Andrea Brillantes at Elija Canlas na nagsusubuan, ayon sa iniulat ng source ni Ogie Diaz.


Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinunyag ni Ogie Diaz tungkol kina Andrea Brillantes, Miles Ocampo, at Elija Canlas.


Sa kanyang "Showbiz Update Vlog," ibinunyag ni Ogie ang impormasyon mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source tungkol sa umano'y reaksyon ni Miles nang mapanood ang video nina Andrea at kanyang ex-boyfriend na si Elija na nagdidiwang ng pagkakasundo sa pagkain ng spaghetti.


"Napanood nitong si Miles Ocampo yung video nina Andrea at Elijah. Alam mo kung ano ang ginagawa sa video? **** Nagsusubuan ng spaghetti... O yun daw ha. Nakita yun ni Miles, nagsusubuan sila ng spaghetti. Tapos hindi ito, hindi ko lang alam kung paano nakarating kay Andrea na alam o paano napanood ni Miles yung video na nagsusubuan sila ni Elijah," kuwento ni Ogie na galing raw sa kanyang mapagkakatiwalaang source.


Ayon kay Ogie, agad namang humingi ng paumanhin si Andrea kay Miles: "Agad na nag-text kay Miles, itong si Andrea. Ang sabi sa kanya eh, 'Ate sorry, nakakahiya, sa ganyan pa nakarating sayo yung tungkol sa amin. Sana makausap kita.' Alam mo ano ginawa ni Miles daw sa cellphone. Pak, binato yung cellphone," kwento ni Ogie na pinaparating raw mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source.


Ito ang nagtulak kay Mama Loi na magtanong kung ano ang nangyari sa cellphone ni Miles: "Ayun nagkalamat-lamat yung screen....Nabwisit si Miles eh," aniya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts