Kim Chiu Nahuhulog ang Loob kay Paulo Avelino?

 



Sa isa sa mga bahagi ng Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz, tinatalakay ang posibleng pagkahumaling ni Kim Chiu kay Paolo Avelino.


Naging usap-usapan ito dahil sa impormasyong natanggap umano ni Ogie na unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ni Kim kay Paolo, na kasalukuyang kanyang kapareha sa "What's Wrong With Secretary Kim."


"May nakapagsabi sa akin. Narinig ko lang naman. Merong nagparating sa akin... Unti-unti pala ay nahuhulog itong si Kim kay Paulo. 'Yun lang ang nabalitaan ko ha na nata-touch si Kim sa mga gestures ni Paulo dahil bukod sa sweet e cariƱoso. Bukod doon, maasikaso. 'Yun talagang nararamdaman ni Kim Chiu na babae siya kay Paulo Avelino," kuwento ni Ogie.


Subalit, iginiit ni Ogie na walang katiyakan sa sitwasyon. Kung sakaling hiwalay na si Xian Lim at ang atensyon ni Kim ay nakatuon kay Paulo, wala namang tiyak kung nararamdaman din ba ni Paulo ng parehong paraan si Kim. Posibleng mayroon, o maaaring nagiging mabuti lang silang magkaibigan.


Gayundin, ibinahagi ni Ogie na ayon sa kanyang source, muling nagkabalikan sina Paolo at Janine Gutierrez, na nagdagdag ng komplikasyon sa usapin.


"Dahil dito, tanging sina Kim at Paolo lang ang makapagpapatunay kung totoo ba o hindi ang mga tsismis na ito. Sabi ni Ogie, 'Kasi alam mo, nilalatag lang naman natin sa kanila 'yung mga nakakarating sa atin. Sila pa rin ang may karapatang sumagot. Kung i-deny nila ito, madali para sa kanila hindi totoo 'yung nakarating sa atin, e sorry.'" dagdag pa niya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts