Inihayag ng Anak TV Awards ang pagkilala sa ilang bituin ng Kapamilya network tulad nina Alexa Ilacad, Amy Perez, Andrea Brillantes, Anne Curtis, Belle Mariano, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeremy Glinoga, Karylle, KD Estrada, Kim Chiu, Kyle Echarri, Regine Velasquez-Alcasid, sina Robi Domingo, at Seth Fedelin bilang mga Makabata Stars sa mga kategoryang telebisyon at online dahil sa kanilang pagiging positibong ehemplo sa mga kabataang Pilipino.
Nakamit din ni Kathryn Bernardo ang titulong Hall of Famer dahil sa sunud-sunod na pagkilala sa kanya bilang Makabata Star sa pitong taon.
Bukod sa kanila, kinilala rin ng Anak TV Awards ang "ASAP Natin 'To," "The Voice Kids," "Hero City Kids Force" ng iWantTFC," "Parent Experiment" ng YeY, "Team YeY Vlogs," at mga programa ng Knowledge Channel tulad ng "AgriKids," "I Love You 1000," "Ready Set Read," "MathDali," "Wikharian," "Knowledge On The Go," "Art Smart," at "Kwentoons" sa mga kategoryang telebisyon at online.
Sa television category, kinilala rin ang "It's Showtime," "TV Patrol," at "Sineskwela" ng Knowledge Channel bilang Household Favorite Programs ngayong taon.
Sa kabuuang bilang, umabot sa 33 ang natanggap na parangal ng mga programa at personalidad ng ABS-CBN mula sa Anak TV Awards 2023 para sa pagtangkilik sa pamilya at pagiging inspirasyon sa mga kabataan.
Ang Anak TV Awards ay iginawad ng ANAK TV, isang organisasyong nagtataguyod ng telebisyon literacy at sumusuporta sa mga child-sensitive at family-oriented na programa sa Pilipinas. Ang Anak TV Seal ay isang pambansang pagkilala na ibinibigay sa mga programa na binoto ng mga magulang, guro, propesyunal sa media at negosyo, gobyerno, media, NGO, sektor ng relihiyon, at kabataan.
Pagbati sa lahat ng mga nagwagi! ❤️💚💙
No comments:
Post a Comment