Herlene Budol Binasag ang Katahimikan ukol sa Pagdawit nya kay Rob Gomez Issue

 



Sa kabila ng mga batikos na natanggap, naglabas ng bagong pahayag si Herlene Budol ukol sa umano'y kontrobersiyal na usapan sa pagitan niya at ng kanyang co-star sa Magandang Dilag na si Rob Gomez.


Sa kanyang post sa X, ibinahagi ni Herlene na hindi siya makapagtuon ng buong atensyon sa kanyang trabaho dahil sa kasalukuyang isyu na kanyang kinakaharap. Saad niya, "Yung tahimik lang ako at kaliwa't kanan babad ako sa taping. Yung di ako makakapag-focus sa trabaho dahil sa isyu ng mag-jowa na may anak. Tapos malalaman ko na lang na pangalan ko ay nadamay at binabash ako na wala naman akong ginagawa."


Inamin rin ni Herlene na galing siya sa isang broken family, ngunit ipinagtanggol ang sarili mula sa negatibong pagtingin. "Opo, Squammy man ako sa inyong paningin. Hindi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos," aniya.


"Yung batuhan ng mga script para kabisaduhin ang linyahan ay nahaluan ng mga biro at one-liner tulad ng 'Kain.' Ganyan agad ang tingin nyo sa akin. Sinasakyan ko lang ang mga biro dahil komedyante ako kahit alam ko na fini-flirt ako," dagdag pa niya.





Sa kanyang pagtatapos, iginiit ni Herlene na hindi siya ang uri ng babae na inaakusahan ng iba. "Hindi ako ganung babae," sabi niya, naglalabas ng sariling pahayag para linawin ang mga umiikot na isyu sa kanyang personal na buhay.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts