Dalawang Buwan na Hiwalay sina Kim Chui at Xian Lim?


Ayon kay talent manager at vlogger Ogie Diaz, nangyari na ang dalawang buwan mula nang umano'y maghiwalay ang mga aktor na sina Xian Lim at Kim Chiu.


May mga kumakalat na balita na naglalaman ng posibilidad na tapos na ang relasyon nina Kim at Xian.


Sa kanyang programa na 'ShowBiz Update,' ibinunyag ni Ogie na isang kaibigan niya at kaibigan din nina Xian at Kim Chiu ang nagbigay sa kanya ng impormasyon ukol sa totoong estado ng relasyon ng dalawa:


"Isang kaibigan ko, at kaibigan din nina Xian at Kim Chiu, ang nagsabi sa akin na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim," pahayag ni Ogie.


"Hindi lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu. At si Xian Lim din hindi mo maasahan siyempre na magkomento or magbigay ng kanyang statement tungkol dito," dagdag ni Ogie.


"Ang pagkakaalam ng kaibigan ko ay nauna ang breakup nina KathNiel bago sila naghiwalay. Siguro mga dalawang buwan na. Pero siyempre kino-quote ko lang naman 'yung kaibigan ko, na 'yun ang sinabi," pag-amin ni Ogie.


"Sabi sa akin ng kaibigan ko, wala naman daw third party. Ganun lang, parang wala lang plano si Xian sa kanilang 12 years na relasyon. Parang hindi niya ito priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal dahil 12 years na sila," pahayag ni Ogie.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts