Ama ni Sarah Lahbati Nagsalita na Ukol sa Kontrobersyang Komento ni Anabelle Rama Laban sa Kanyang Anak

 



Sa gitna ng usap-usapan hinggil sa kontrobersyal na pahayag ni Annabelle Rama, kumalat sa social media ang post ni Lahbati Abdel, ama ni Sarah Lahbati. Kamakailan, ibinahagi ni Abdel sa kanyang Instagram ang larawan ng kanyang pamilya kasama si Sarah at ang dalawang anak nito kay Richard, na may kasamang mensahe na nagpapahayag na hindi dapat pansinin ang mga nagpapakalat ng negatibong komento.


Sa kanyang caption, sinabi ng ama ni Sarah, "Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind dogs barking." Ilan sa mga netizen naman ang hindi nakapigil na magbigay ng kanilang reaksyon sa post ni Abdel, at ang kanilang mga komento ay nakuhanan ng screenshot.


Ipinapaalala na nagkaruon ng malawakang atensiyon ang mga nakaraang pahayag ni Annabelle sa social media, kung saan tila may tinutukoy na mga magulang na galing sa ibang bansa. Ayon sa kanyang pahayag, "‘Wag n’yong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari, ang bilis. Nagulat na lang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag-umpisa ang malaking gulo. ‘Wag n’yo ibagsak sa akin ang sisi.”



Dagdag pa niya, "Kung hindi ako pinagbawalan ng lawyer na magsalita. Mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin [kong] kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.”



 

No comments:

Post a Comment

Popular Posts