Ricci Rivero, Nagsalita Tungkol sa Isyu sa Ex na si Andrea Brillantes at Kaibigang si Bea Borres

 


Si Leren ay hindi third party, alam daw ito ng iba. Ayon kay Ricci Rivero, huwag daw silang gumamit ng clickbait para makuha ang simpatya ng tao at sirain sila. Ito ay matapos maglabas ng saloobin si Ricci ukol sa dating kasintahan na si Andrea Brillantes at kaibigan nitong si Bea Borres na tila nagtatangkang sirain ang imahe nina Ricci at Leren sa publiko.


Ipinunto ni Ricci na walang overlapping sa kanyang relasyon kay Andrea at kasalukuyang partner na si Leren Bautista. Ayon sa kanya, nagkaroon sila ni Andrea ng on and off relationship bago pa man niya makilala si Leren noong Mayo 26.


"Hindi third party si Leren alam nila 'yan," sabi ni Ricci sa isang pahayag na ipinadala kay DJ Jhaiho ng Marites University.


Nagpahayag din si Ricci ng pagkadismaya kay Andrea at Bea dahil sa umano'y paninira sa kanilang imahe sa publiko.


“Huwag silang pa-clickbait para makuha ang simpatya ng tao at sirain kami. Mag-mo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila,” ipinunto ni Ricci.


Nilinaw din ni Ricci na ilang beses na silang nag-break ni Andrea noong maaga sa taong iyon at nang huling beses noong Mayo 6, sinabi raw ni Andrea na wala na sila dahil sa isang babae na alam niyang kasama ng kaibigan niya na pumunta sa condo ni Ricci.


Ipinunto ni Ricci na ilang ulit na bumisita si Andrea sa kanyang condo para makipag-ayos at magbalikan sila, ngunit nang tanggihan niya ito, aniya ay ipinagbabawal ng aktres na ipaalam sa publiko na hindi na sila magkasama.


“Pumupunta siya ng condo ko nang madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag-yes ba ako? Hindi, kasi ayoko na and sinabi ko 'yan sa kanya paulit-ulit so I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single," dagdag pa ni Ricci.


Nagpaliwanag din si Ricci kung bakit siya sumagot sa mga post ni Andrea at Bea na tila tumutukoy sa kanya. Ayon sa kanya, alam daw ng lahat kung sino ang tinutukoy ni Andrea sa kanyang mga tweet mula sa simula pa. Dagdag pa niya, hindi siya nagsasalita ukol sa mga pangalan ng mga taong nakakasama ni Andrea sa mga bar. Subalit, sinabi niya na sumobra na ang mga akusasyon sa kanya.


Samantala, ibinahagi rin ni DJ Jhaiho ang pahayag ni Bea na kanyang konsultado ang kanyang abogado ukol sa mga posibleng hakbang na kanilang gagawin matapos ang mga akusasyon ni Ricci laban sa kanya.


1 comment:

Popular Posts