MAYNILA -- Ibinahagi ng mga miyembro ng BGYO na sina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate kung ano ang mga pangarap nilang negosyo sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Martes.
"Ako po parang gusto ko pumasok sa food industry, mga cafe, restaurant. At gusto ko rin po magkaroon ng resort at commercial building someday," ani Akira.
"Ako ang dami ko rin pong naiisip pero clothing line, restaurant, multipurpose studio at, why not, parking din," ani naman Gelo.
"I want to open a car shop po because my lolo had a car shop since 1983 po," ani Nate.
"What comes to my mind po siguro ay fashion line or clothing line, somewhere sa fashion industry. Kasi ever since mahilig na po talaga ako sa fashion at mag-customize ng jewelry din po," ani naman Mikki.
"Ako po halos same sa kanila, gusto ko po magtayo ng sariling restaurant. At mahilig ako sa sapatos, as in sobrang addict ako sa sapatos," ani JL.
Sa ngayon patuloy ang pagsisikap ng BGYO para protektahan ang kanilang karera para sa kanilang mga pangarap.
"I think isa sa mga purpose kung bakit magkakasama kami sa isang bahay for how many years na po is para ma-remind namin ang isa't isa kung ano ang goal namin. Dapat lumiliyab pa rin ang apoy sa puso namin. At kung bakit namin ginagawa itong ginagawa namin, like 'yung purpose po namin," ani Gelo.
Kamakailan lang ay inilabas ng BGYO ang kanilang bagong awitin na "Magnet."
-ctto
photo: ctto