'2 Good 2 Be True' Finale Mediacon

 Napagtanto na nina Eloy (Daniel Padilla) at Ali (Kathryn Bernardo) na pinaikot lang sila ni Helena (Gloria Diaz) nang ipinalabas nitong biktima rin siya tulad nila sa most watched series ng iWantTFC at Netflix Philippines na "2 Good 2 Be True."

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, sinabi ni Kathryn na kahit pa maganda ang tinatakbo ng serye ay tamang timing lang ang kanilang pagtatapos.

"As much as we want to extend it kasi may ganito kami kagandang show, every story talaga kailangan mag-end. So itong run namin, nakita lahat 'yung journey ng characters pati flashbacks at back story na tinahi sa present time,” kwento niya. “You just watch the finale, and you'll see what I'm saying. It's enough," dagdag niya.

Inamin naman ni Daniel na natakot siya nung una na baka hindi kagatin ng publiko ang kanilang comeback series. Hindi niya inakala na tatangkilikin pa rin sila ng manonood.

"Hindi ko inakala na tatanggapin ng ganito ang show namin na sobrang init kasi we have done many shows together," saad niya.

Nanatiling most-watched series ang 2G2BT sa Netflix PH at hindi naman din ito naaalis sa Top 10 shows ng iWantTFC simula noong Mayo. 

Huwag palampasin ang bawat eksena sa "2 Good 2 Be True" at panoorin ito ng advance sa Netflix Philippines o iWantTFC. Maari rin ito subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.

Source: Entertainment.ABS-CBN.com 





No comments:

Post a Comment

Popular Posts